^

PM Sports

Leo Awards at pagbubukas ng PBA Philippine Cup ngayon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang pag­­bubukas ng 45th PBA Season ang matutungha­yan ng mga fans dahil ma­kikilala na rin ang mga pinakamagagaling na manlalaro sa nagda­ang 44th Season sa 2-in-1 event ngayon sa Smart Araneta Co­liseum.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na sabay na idaraos ng pinakama­tandang pro league sa As­ya ang opener at Leo Awards matapos sa Phi­lippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nakatakda ang Leo Awards sa alas-4:30 ng ha­pon bago ang parada ng mga koponan at ope­ning match sa pagitan ng five-time champions na San Miguel at Magnolia sa alas-7:30 ng gabi.

Hindi makakalaro si five-time MVP June Mar Fajardo para sa Beermen, ngunit inaasahang tatanggapin niya ang makasaysayang ikaanim na Season MVP award upang pa­ngunahan ang mga Leo awardees.

Nagwagi ng Best Pla­yer of the Conference ng Philippine Cup ang 6-foot-10 na si Fajardo no­ong nakaraang season at nadala sa dalawang kam­peonato ang San Mi­guel.

Sigurado na rin sa PBA Rookie of the Year tro­phy si CJ Pe­rez ng Columbian bukod pa sa pagiging sco­ring champion at Mythical Five candidate.

Maliban sa MVP at ROY ay igagawad din ng PBA ang Most Improved Player, Samboy Lim Sports­manship award, My­thical First at Second Team gayundin ang All-De­fensive Team.

Ayon sa PBA, posib­leng maging tra­disyon na ang sabay na opening at ang Leo Awards sa mis­yong ma­pagkasya ng liga ang year-long calendar nito alin­sunod sa interna­tio­nal tournaments.

 

LEO AWARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with