^

PM Sports

Blaze Spikers, Lady Realtors diretso sa 2-0

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsosyo sa top spot ng leader board ang Petron Blaze Spikers at Sta. Lucia Lady Realtors ma­­tapos pabagsakin ang ka­­­ni-kanilang kalaban sa 2020 Philippine Superli­ga (PSL) Grand Prix ka­­hapon  sa The Arena sa San Juan City.

Pinabagsak ng nagde­depensang Blaze Spi­kers ang Chery Tiggo Cros­sovers, 25-17, 25-22, 25-21, habang pinadapa ng Lady Realtors ang Ma­ri­nerang Pilipina Lady Skip­pers, 25-19, 21-25, 30-28, 25-20.

Binanderahan ni Ame­rican import Khat Bell ang tropa matapos magtala ng 21 points sa likod ng 20 attacks at isang block para tulungan ang Blaze Spikers na ibulsa ang ikalawang sunod na panalo.

Naramdaman din ang presensya nina national team members Ces Moli­na at Aiza Maizo-Pontillas nang mag-ambag ng 16 at 9 markers, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, namayagpag naman para sa Sta. Lu­cia si veteran skipper Ho­ney Royse Tubino nang magrehistro ng 24 points mula sa 22 attacks at 2 aces at nagsahog ng 19 markers si Canadian import Shainah Joseph.

Nagningning din si Fil-Am MJ Phillips nang nagtala ng 13 points mula sa 8 attacks, 3 kill blocks at 2 aces, habang may 7 markers si Mika Reyes.

Nadulas sa 1-1 ba­raha ang Crossovers at laglag naman sa 0-2 ang record ng Lady Skippers.

 

BLAZE SPIKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with