Pagbabalik ni Sato sa NU malaking tulong

Risa Sato

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik sa UAAP ni Risa Sato ay na­bawa­san ang trabahong bi­nibitbit ng coaching staff ng National Univer­si­ty Lady Bulldogs dahil isa si­ya sa mga naasahan ng tropa pagdating sa pagdi­disiplina sa mas ba­tang mga manlalaro.

Matapos mawala ng isang taon sa liga dahil sa academic defiency ay nagbalik collegiate league ang Filipino-Ja­pa­nese middle blocker kung saan isa siya sa mga na­­nguna pa­­ra ibulsa ng Bus­tillos-based team ang unang panalo sa University of Santo Tomas.

Para kay NU head coach Norman Miguel, ma­laki ang naging kabawasan sa trabaho nila sa pagkakatalaga kay Sato bilang team captain ng koponan dahil naibabaha­gi niya sa lahat ang sistema at disiplina na tinatag­lay ng isang Japanese pla­yer.

“Noong ginawa na­ming team captain si Risa, nagbigay siya ng sis­tema sa team namin at sa part ng coaching staff ay nababawasan ‘yung trabaho namin when it comes to ‘yung pagdidi­scipline sa mga bata. Being a Japanese player, little by little nag-i-input siya ng sistema ng how to discipline a Japanese pla­yer,” sabi ni Miguel.

Pinuri rin ni Miguel ang ginagawang aksyon ni Sato pagdating sa ka­nilang training lalo na’t pi­natupad nito ang ‘mop system’ sa koponan kung saan may bitbit na basahan ang likod ng players at sila ang magpupunas sa tuwing mababasa ang ta­raflex na gamit nito.

“Organized lahat ng ki­los namin sa team at si­ya  ang nag-instill noon pati ‘yung pag-iingay sa training, the typical Japanese training. Nakatulong talaga sa amin. Sa kanya pa lang napi-filter na ‘yung mga maling nangya­yari,” dagdag pa ni Miguel.

Sa parte ni Sato, alam niya na mabigat ang role na kailangan niyang gampanan bilang ‘ate’ sa mga mas nakababatang manla­laro kaya’t hirap man mag-Tagalog ay doble-ka­yod siya.

“Parang kailangan talaga kasi mayroong roo­kies. So kailangan talaga akong mag-work,” paha­yag ni Sato.

 

Show comments