MEMPHIS, Tenn.— Hindi kaagad nakapagdesisyon si guard De’Aaron Fox kung maglalaro.
Matapos ang ilang minuto ay iginiya ni Fox ang Sacramento Kings sa 104-101 pagtakas kontra sa Grizzlies.
Hindi naglaro si Fox, umiskor ng 25 points kasama rito ang 16 sa second half, sa kabiguan ng Sacramernto laban sa Oklahoma City Thunder noong Huwebes bunga ng lower right abdominal tightness.
“I felt fine,” wika ni Fox, mayroon ding shoulder injury. “When you are in the thick of things, you are not really thinking about it.”
Nagdagdag si Harry Giles III ng 16 points para ilapit ang Kings sa pang-walo at huling playoff ticket sa Western Conference.
Nalasap ng Grizzlies ang pang-limang sunod na kamalasan.
Pinamunuan ni Dillon Brooks ang Memphis sa kanyang season-high na 32 points, habang naglista si Ja Morant ng 20 points at 11 assists at humakot si Jonas Valanciunas ng 13 points at career-high na 25 rebounds.
Sa Milwaukee, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 32 points at 13 rebounds at nagtala ang Bucks ng 24-point lead sa second quarter patungo sa 133-86 pagpapatumba sa Thunder.
Ang 47-point loss ang pinakamasamang nalasap ng Oklahoma City ngayong season.
Si Bucks All-Star forward Khris Middleton ay late scratch dahil sa kanyang sore neck, habang may ankle injury naman si Thunder forward Danilo Gallinari.
Sa Los Angeles, nagsalpakn si Paul George ng anim na 3-pointers para sa kanyang 24 points at nagdagdag si Kawhi Leonard ng 19 points para sa 132-103 panalo ng Clippers sa Denver Nuggets.
Sa Miami, nagpasabog si Jimmy Butler ng 26 points kasunod ang 24 markers ni Duncan Robinson para ihatid ang Heat sa 126-118 paggupo sa Dallas Mavericks.
Diniskaril ng Miami ang pagdiriwang ni Dallas guard Luka Doncic ng kanyang ika-21 kaarawan.