SMB vs Magnolia sa pagbubukas ng PBA Season

Pinamunuan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang press conference para sa 45th PBA Season kahapon.
Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Inilabas kahapon ng Philippine Basketball As­sociation ang kumpletong schedule pa­ra sa 20­20 Philippine Cup, ang unang confe­rence ng 45th Season.

Katulad ng naunang pa­hayag ng pro-league, maugong na rematch ang magbubukas ng bagong PBA Season sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa pagitan ng San Miguel at Magnolia na nag­laban para sa All-Filipino Conference championship noong nakaraang taon.

Bago ito ay gagawa­ran naman ang pinakama­gagaling na manlalaro sa nakalipas na 44th PBA Season sa Leo Awards.

Sina June Mar Fajar­do ng San Miguel at CJ Pe­rez ng Columbian ang inaasahang tatanggap ng MVP at Rookie of the Year, ayon sa pagkakasu­nod.

Sa katunayan ay naurong ang PBA opening bun­sod ng COVID-19.

Nakatakda sana itong magbukas sa Marso 1 sa parehong venue.

Matapos ang bakba­kan ng San Miguel at Mag­nolia ay susundan ito ng labanang TNT at Phoenix gayundin ng NLEX at NorthPort sa Marso 11 sa Big Dome.

Magtatagisan naman ang Alaska at Columbian sa Marso 13 at ang Rain or Shine at San Miguel ulit sa parehong venue pa rin ayon sa full schedule na inanunsyo ng PBA sa ginanap na press confe­rence sa Conrad Hotel.

Dadayo naman kaa­gad ang PBA sa Bala­nga, Bataan sa Marso 14 para sa sagupaang Barangay Ginebra at Blackwater.

Kukumpletuhin ng laro ng Phoenix at NLEX at salpukan ng Magnolia at Meralco ang unang linggo ng PBA.

Samantala, gaganapin naman ang PBA Media Day bukas upang magbigay ng panahon ang mga manlalaro at coaches sa mga fans at media bago ang pagsalang nila sa ak­syon.

Ito na ang ikalawang taon na magdaraos ng Me­­dia Day ang PBA.

Show comments