Devance sasailalim sa stem cell procedure

MANILA, Philippines — Lalong numipis ang frontline ng Barangay Gi­nebra dahil sa inasahang pagkawala ni veteran Joe Devance sa unang buwan ng paparating na 2020 PBA Philippine Cup.

Nakatakdang magtu­ngo ang 38-anyos na si De­vance sa Germany nga­yong linggo para su­ma­ilalim sa isang stem cell procedure na siyang gagamot sa kanyang knee at foot surgeries sa nakalipas na tatlong taon.

Kakapirma lamang ng one-year extension ni De­vance sa Gin Kings kamakalawa at bagama’t inaasahang mawawala sa loob ng isang buwan ay mapapalakas niya ang katawan para sa buong ta­on kung saan maghaha­ngad ng Grand Slam ang crowd favorite.

Nauna nang napi­la­yan ang Gin Kings dahil sa biglaang desisyon ni 7’0 Greg Slaughter na magpahinga muna sa bas­ketball.

Napaso ang kontrata ni Slaughter sa Ginebra pagkatapos ng 2019 PBA Governors’ Cup at napasentro sa ilang trade rumors kapalit si Christian Standhardinger ng NorthPort bago ang de­sis­­yong mabakasyon.

Ngayon ay sasandal mu­na ang Ginebra kina defensive player Raymond Aguilar, Gover­nors’ Cup Finals MVP Ja­peth Aguilar at Prince Caperal na nabigyan din ng contract extension upang punan ang puwesto ni Slaughter.

Nauna na ring pinapir­ma ng Ginebra ang mga roo­kies na sina Arvin Tolentino at Jerrick Balanza matapos pakawalan sina Julian Sargent at Teytey Teodoro.

Nagha­han­­da ang Gi­nebra para sa 2020 PBA Phi­lip­pine Cup na magbubukas sa Marso 8 sa Smart Ara­­­ne­ta Coliseum.

 

Show comments