PHILADELPHIA — Sasailalim si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving sa isang arthroscopic surgery sa kanyang kanang balikat at tuluyan nang hindi makakalaro sa buong season.
Ito ang inihayag ng Nets matapos ang kanilang pagkatalo sa 76ers sa unang laro ng liga makaraan ang All-Star break.
Nauna nang sinabi ni Brooklyn coach Kenny Atkinson na problema pa rin ni Irving ang kanyang kanang balikat na nagpaupo sa kanya sa 26 games ngayong season.
Ayon kay Irving, lalo pang lumubha ang kanyang injury matapos ang kanilang laro noong Nobyembre 4.
Sa nasabing yugto ay nagtayo ang Nets ng five-game road trip.
Binigyan siya ng cortisone shot noong Disyembre 24 at nakabalik sa aksyon noong Enero 12.
Dahil sa operasyon ay nagtapos ng maaga ang unang season ni Irving sa Brooklyn sa 20 games lamang.
Irving out na sa season