^

PM Sports

Bacoor, Basilan nakauna sa kalaban

Pang-masa

BACOOR City, Philippines — Pinasadsad ng Bacoor at Basilan ang kani-kanilang mga kalaban nitong Miyerkules sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season semifinals.

Mainit ang naging simula ng Bacoor Strikers upang igupo ang General Santos Warriors, 95-72 sa Strike Gymnasium dito.

Nagposte rin ng kaparehong panalo ang Basilan Steel sa kanilang 83-68 tagumpay sa Iloilo United Royals sa isa pang South division quarterfinal game.

Inspirado ng jam packed hometown crowd, binuksan ng second seed na Strikers, pinamunuan ni MPBL Datu Cup MVP Gab Banal, ang laro sa 20-4 para  makauna sa kanilang best-of-three series.

Hindi binigyan ng pagkakataon ng Strikers na makaporma ang Warriors na tinapos ni Nick Demusis sa pamamagitan ng Tomahawk dunk para sa final tally.

Kasama ni Banal sina Michael Mabulac at Oping Sumalinog na bumida sa Strikers ni coach Chris Gavina.

Matapos mag-ambag ng walong puntos sa kanilang unang breakaway, tumapos si Banal na may 20 points, 11 assists, three rebounds at 2 steals habang nagtala si Mabulac ng 15 points at 12 rebounds.

Nag-ambag naman si Sumalinog ng 13 points, 5 rebounds, 3 assists at three steals habang sina Ian Melencio at RJ Ramirez ay may tig-10 points.

Nagpakawala naman ang third seed na Basilan ng 12-point salvo ang Basilan na tila ‘di ramdam ang pagkawala ni Gilas pool member Allyn Bulanadi at lumamang pa ng 20 points, 75-55 para lumapit sa semifinals.

Nag-init din si Jhapz Bautista para sa Jumbo Plastics-supported Steel ni Coach Jerson Cabiltes sa kanyang 21 points kabilang ang tatlong triples habang sina Hesed Gabo at Dennis Daa ay may tig-10 points.

Kabilang sa mga nanood ay sina MPBL CEO Senator Manny Pacquiao at si Cong. Strike Revilla at asawa nitong si Chaye Cabal-Revilla na nakitang nagalit dahil sa rough play ng Warriors.

MPBL LAKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with