MANILA, Philippines — Kapwa winalis ng Armed Forces of the Philippines at Department of Environment and Natural Resources ang kanilang mga semifinals series para itakda ang pagtutuos nila sa korona ng 8th UNTV Cup.
Pinatumba ng top-seeded at nagdedepensang AFP Cavaliers ang Judiciary Magis, 72-67, sa Game Two para tapusin ang kanilang best-of-three semis series.
Umiskor naman si Archie Gamboa ng 12 points para tulungan ang No. 2 DENR Warriors sa 82-75 paggiba sa National Housing Authority Builders sa sarili nilang semifinals duel.
Hangad ng Cavaliers na maging unang back-to-back champions sa torneo para sa mga public servants na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon
Sisimulan ng AFP at DENR ang kanilang best-of-three finals series sa Marso 1.
Ang mapipiling charity ng champion team ay tatanggap ng tax-free P4 milyon.