Inspirado si Eya sa pagbabalik ni EJ sa UAAP Season 82

MANILA, Philippines — Mas motivated maglaro ngayong UAAP Season 82 women’s volleyball si Eya Laure dahil makakasama niya ang kanyang ate na si EJ para sa kampanya ng Uni­versity of Santo Tomas sa torneo.

Ito ang unang beses na magkakasama sa UAAP court ang magkapatid na Laure bagama’t natungha­yan na ng lahat ang angas ng dalawa matapos magsama sa Collegiate Conference ng 2019 Premier Volleyball League (PVL).

Para kay Eya, inaalay niya ang season na ito kay EJ na matapos matennga ng ilang season dahil sa shoulder injury na tinamo ay nagbabalik sa liga nang mas malakas at puno ng pag-asa.

“Siyempre ngayong kasama ko na ‘yung sister ko ngayong season, mas motivated ako and itong season na ito ay para ito sa kanya,” sabi ng nakababatang Lau­re. “Iyon ‘yung ano ko ngayon, maglalaro ako sa loob ng court na kasama siya and ibibigay ko lahat ‘yung best ko kasi sobrang namiss ko ‘yung ate ko.”

Huling naglaro si EJ noong UAAP Season 79 kung saan isa siya sa mga nagdala sa Golden Tigres­ses na muling makalusot sa Final Four matapos ang apat na taon na pagkawala rito.

Mula noon ay hindi na muling nasilayan sa collegiate league ang Season 77 Rookie of the Year awardee nang magkaroon ng injury sa balikat na nag­pa-sideline sa kanya sa loob dalawang season at sa iba pang pre-season leagues.

Matapos ang dalawang taon ay muling nagbalik sa taraflex si EJ nang magpakitang-gilas sa 2019 Philippine Superliga (PSL) Invitationals sa ilalim ng Foton Tornadoes at pagbabalik niya sa PVL kasama ang kapatid na si Eya.

Inaasahan na babanderahan ng magkapatid na Laure ang tangkang pagbabalik ng UST sa cham­pionship round ng UAAP na kasalukuyang nasa in­­de­finite suspension dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19).

Show comments