^

PM Sports

Horse of the Year papangalanan ngayon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malalaman ngayong araw ang hihiranging Horse of the Year sa magaganap na Philip­pine Thoroughbred Owners and Breeders Organization (Philtobo) annual “Gintong Lahi Awards” sa Bar 27, Diamond Hotel, Roxas Blvd., Manila.

Mahigpit ang laba­nan sa nasabing prestihiyosong award para sa mga pangkarerang kabayo sa Pilipinas.

Kikilalanin ang mga outstanding performers sa local horse racing noong 2019, mahigpit ang bakbakan para sa HoY ang tatlong malulupit na kabayong Real Gold, Boss Emong at Supersonic. 

Hinablot ng Real Gold ang first at third leg ng Triple Crown Championship series, habang sinungkit ng Boss Emong ang s­econd leg at kinalawit ng Supersonic ang Presidential Gold Cup noong Disyembre.

Ang iba pang major awards sa Equine Category ay ang mga kampeon sa two-year-old colt at filly, three-year-old colt at filly, older horse, sprinter at imported horse.

 

vuukle comment

HORSE OF THE YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with