Kidd-Gilchrist, Williams pinakawalan ng Hornets
CHARLOTTE, N.C. — Binitawan ng Hornets sina dating No. 2 overall pick Michael Kidd-Gilchrist at 15-year NBA veteran Marvin Williams.
Napili ang 6-foot-6 na si Kidd-Gilchrist matapos si No. 1 overall selection at Kentucky teammate Anthony Davis noong 2012 draft, ngunit nawala sa rotation ng Charlotte sa ilalim ni coach James Borrego.
Napanood lamang siya sa 12 games at nagtala ng average na 4.0 points.
Kumamada naman ang 26-anyos na si Kidd-Gilchrist ng mga career averages na 8.6 points, 5.5 rebounds at 1.2 assists sa 25.1 minutes per game sa walong seasons niya sa Charlotte.
Ngunit malamya ang shooting percentage ni Kidd-Gilchrist na may 47.5% sa 2-point line at at 28% sa 3-point range.
Nagtapos ang Hornets sa 7-59 noong 2011-12 season, ngunit nakuha ang second pick sa lottery.
Dahil dito ay kinuha ng New Orleans Pelicans si Davis bilang first overall pick.
Nagposte naman ang 6-foot-8 na si Williams ng mga averages na 7.9 points, 5.3 rebounds at 1.3 assists sa 27.1 mi-nutes per game sapul nang maglaro para sa Hornets noong 2014.
Si Williams ay orihinal na hinugot bilang No. 2 overall noong 2005 ng Atlanta Hawks matapos maglaro ng isang season sa North Carolina sa collegiate league.
- Latest