^

PM Sports

Russell sa Wolves kapalit ni Wiggins

Pang-masa

SAN FRANCISC — Ibinigay ng Golden State Warriors si guard D’Angelo Russell sa Min­nesota Timberwolves pa­ra makuha si forward An­drew Wiggins.

Nasambot din ng Warriors ang 2021 protected first-round draft pick at isang 2021 se­cond-round pick ng Timberwolves na nakuha naman sina Jacob Evans at Omari Spellman.

Matagal nang naghahanap ang Minnesota ng point guard na itatambal kay center Karl-Anthony Towns, at ito ay sinagot ng Golden State sa katauhan ni Russell na kinuha bilang No. 2 overall pick noong 2015 draft matapos si Towns.

Nagtala ang 23-anyos na si Russell ng average na career-high 23.6 points per game sa una niyang sea­son para sa Warriors, nakipag-trade sa Brooklyn Nets sangkot si Kevin Durant noong Hulyo.

Ibinuhos naman ni Wiggins ang kanyang six-year career sa Minnesota.

Siya ang first overall pick ng Cavaliers noong 2014 ngunit naging bahagi ng blockbuster trade na nagdala kay Kevin Love sa Cleveland.

May mga averages na 22.4 points at 5.2 re­bounds per game si Wig­gins para sa Timber­wolves.

Samantala, nakumpleto ng Los Angeles Clippers, New York Knicks at Washington Wizards ang isang three-team trade na magdadala kina Marcus Morris at Isaiah Thomas sa Clippers.

Inilipat naman si Jerome Robinson sa Wi-zards, habang makukuha ng Knicks si Moe Harkless at isang 2020 first-round draft pick.

Plano ng Clippers na bi­tawan si Thomas.

WIGGINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with