CLEVELAND — Gumaganda na ang kondis-yon ni Golden State Warriors star guard Stephen Curry para sa inaasahan niyang pagbabalik sa aksyon matapos mabalian ng kaliwang kamay.
Posible siyang makita sa court sa Marso.
Nagkaroon ng hand injury si Curry noong Oktubre 30 sa ikaapat na laro niya sa season at kaagad sumailalim sa isang operasyon matapos ang dalawang araw.
“He’s made some big strides,” wika ni Golden State coach Steve Kerr bago labanan ng Warriors ang Cavaliers.
“I guess the word is a month away from having another evaluation. We’re really hopeful that around that time he’ll be able to play. We’ll determine that around March 1,” dagdag pa nito.
Idinagdag pa ni Kerr na sumasali na si Curry sa mga non-contact at individual drills at kasalukuyan nang nagpapakondisyon.
“He needs to progress over the next month to a lot of action, one-on-one, three-on-three, five-on five,” sabi ni Kerr. “That’s all part of the plan.”
Ang Golden State (10-39) ang may hawak ng NBA worst record dahil sa hindi paglalaro ng two-time MVP na iginiya ang Warriors sa tatlong NBA titles at limang sunod na Finals appearances.
Nagtala si Curry ng average na 23.5 points sa 11 seasons.