^

PM Sports

Corteza kampeon sa 9-Ball Derby Classic

Chris Co - Pang-masa
Corteza kampeon sa 9-Ball Derby Classic

MANILA, Philippines — Ginulantang ni dating world champion Lee Vann Corteza si world No. 1 Joshua Filler ng Germany sa bisa ng 11-4 demolisyon upang masungkit ang korona sa 9-Ball event ng prestihiyosong 2020 Derby City Classic na ginaganap sa Caesars Southern Indiana Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana.

Napasakamay ni Corteza ang tumataginting na $16,000 papremyo habang nagbulsa naman si Filler ng $8,000 konsolasyon.

Ito ang kauna-unahang titulo ni Corteza sa Derby City Classic matapos ang ilang taong pagtatangkang makasungkit ng korona sa naturang multi-event tournament na nilahukan ng mahigit 100 matitikas na cue masters sa mundo.

Maliban kay Filler, kabilang sa mga pinataob ni Corteza sina Shane Van Boening ng Amerika, kababayang sina Francisco ‘Django’ Bustamante at Dennis Orcollo, dating world champion Mika Immonen ng Finland.

Hindi rin nakaporma sa tikas ni Corteza sina John Gabriel, Maksin Dudanets, Alex Olinger, Deomark Alpajora, Chad Elston, David Johnson at Michael Durbin.

Bukod kina Corteza, Bustamante at Orcollo, naglaro rin ang iba pang Pinoy cue masters na sina James Aranas, Roberto Luna, Warren Kiamco, Jeffrey de Luna at Fi-lipino-Canadian Alex Pagulayan.

Magandang bawi ito para kay Corteza na nagkasya lamang sa ika-10 puwesto sa Derby City Classic-Diamond Bank Pool event at ika-25 naman sa Derby City Classic-One Pocket event.

Una nang pinagha-rian ni Orcollo ang Derby City Classic - Diamond Bank Pool event noong Biyernes kung saan winalis nito ang lahat ng kanyang asignatura para kamkamin ang $16,000 papremyo.

CORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with