MANILA, Philippines — Buo pa rin ang tiwala ng Meralco sa prized big man nitong si Raymond Almazan.
At pinatunayan nila ito sa pagbigay ng three-year extension sa 6’8 center simula sa paparating na 2020 PBA Philippine Cup.
Nasa kasagsagan pa lang ng pagpapasiklab sa Bolts, nadale ng lateral meniscal tear si Almazan sa Game 3 ng 2019-2020 PBA Governors’ Cup Finals na siyang naging malaking dahilan din ng kanilang pagkatalo sa serye, 1-4.
Bago ang injury, nagrehistro si Almazan ng 17.5 puntos, 11.0 rebounds at 1.5 blocks sa unang dala-wang laro kung saan nakatabla pa ang Bolts sa kari-bal na Gin Kings 1-1.
Solido rin ang kanyang averages sa elimination round ng season-ending conference nang magtala ng 14.5 puntos, 12.09 na rebounds at 1.1 na sulpalpal upang magabayan ang Meralco sa no. 2 finish.
Nagpapahinga na ngayon si Almazan at inaasa-hang magiging sandalan ng Bolts sa susunod na tatlong taon simula sa 2020 PBA Philippine Cup.
Lalarga ang unang conference ng 45th Season sa Marso 1 sa Smart-Araneta Coliseum.
Nakuha ng Bolts ang national team veteran mula sa Rain or Shine noong nakaraang Mayo kapalit ang dalawang future first round picks.
Samantala, tatalakayin na rin ng Bolts ang contract extension nina Allein Maliksi at rookie na si Bong Quinto na maging malaking bahagi rin ng kanilang pagbabalik sa finals ngayong katatapos lang na season.