MANILA, Philippines — Si Shaq delos Santos pa rin ang magiging pangunahing tactician ng Philippine women’s volleyball national team, ayon sa desisyon na napagkasunduan ng La-rong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI).
Sa ginanap na technical meeting ng sports governing body noong Biyernes, nagpapasyahan ng mga ito na panatilihin sa head coach spot si Delos Santos sa pambansang koponan.
“Ang naging desis-yon kanina sa meeting ay status quo. Lahat retained,” sabi ni LVPI board member at national team program head Peter Cayco.
Unang hinawakan ni Delos Santos ang Nationals noong 2018 nang palitan niya ang unang napili ng LVPI na si Ramil de Jesus matapos nitong bitawan ang puwesto dahil sa personal na dahilan.
Si Delos Santos ang namuno sa national team sa 2018 Jakarta Asian Games sa Indonesia, matapos ang 36 taon na hindi nito pagsali sa quadrennial sporting event, kung saan nagkasya lamang ito sa ika-8 puwesto.
Ang dating Petron Blaze Spikers coach din ang nagmando sa tropa sa 2018 Asian Wo-men’s Volleyball Cup sa Nakhon Ratchasima sa Thailand at nagtapos naman ito sa ninth place sa 10 bansang kasali rito.
Binanderahan din ni Delos Santos ang bansa sa dalawang edisyon ng ASEAN Grand Prix sa Thailand at Pilipinas at naibulsa nila ang tansong medalya at ang huli ay nitong nakaraang Southeast Asian (SEA) Games, kung saan na-ngulelat sila sa four-nation tourney.
Makakasama pa rin ni Delos Santos sina Kungfu Reyes at Brian Esquibiel bilang mga assistant coaches ng tropa. FJ