NEW YORK – Pinagmulta ng NBA si Detroit Pistons guard Derrick Rose ng $25,000 dahil sa paghahagis ng ballpen mula sa court sa 110-117 kabiguan nila laban sa New Orleans Pelicans.
Ito ang inihayag kahapon ni NBA executive Kiki VanDeWeghe.
Tigil ang laro sa nalalabing 37 segundo ng overtime, nakasalampak si Rose sa isang courtside table at ibinato ang isang ballpen sa stands.
Tumapos si Rose na may 23 points at 8 assists.
Naitabla ni Rose ang Pistons sa 100-100 sa regulation sa huling 30 segundo para makabangon mula sa 16-point deficit.
Naimintis naman ni E’Twaun Moore ng New Orleans ang dalawa niyang short jumpers na nagbigay sa Detroit ng posesyon sa natitirang 14 segundo.
Ngunit nabigo si Rose na maipanalo ang Pistons sa extra period.