Bugle Notes masisilayan na
MANILA, Philippines — Masisilayan ang bagong idolo ng mga bayang karerista, ang Bugle Notes na sasalang sa Condition Race Merged Category 10 ngayong araw sa San La-zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Impresibo ang dalawang karerang pinagwagian ng Bugle Notes noong nakaraang taon lalo na sa Cojuangco Cup na sinalihan ng mga tigasing kabayo sa bansa.
Kasama sa hiniya ng Bugle Notes ang reigning Presidential Gold Cup ruler na Super Sonic, former champion Sepfourteen, Hitting Spree at Viva Morena.
Ayon sa mga karerista na panatiko ng Bugle Notes, sigurado ang panalo nito dahil mas malakas ang kanyang unang mga nilabanan.
“Patok si Bugle Notes, mas malakas ‘yung mga sinalihan niya noong nakaraang taon,” wika ni Roland Golez, veteran karerista..
Makakalaban ng Bugle Notes sa nasabing karera ang Kapayapaan, Brandy Drinker, Sizzling Hot, The Accountant, Certain To Win, Rabbiosa, Pronto at magkakamping Hamlet at Lemonada.
May distansyang 1,400 meter, rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan B. Hernandez.
Samantala, magandang laban din ang mapapanood sa PHILRACOM - RBHS class 3 kung saan Markado ang Magtotobetsky.
Makakatapat ng Magtotobetsky sa 1,400 meter race ay ang Pax Britanica, Beach Surfer, Breaking News, Wannabe, Matriarchal, Since When, Mini Model, Ilove Jane at Don Albertini.
- Latest