^

PM Sports

Badminton Asia event idaraos sa Pinas

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang continental event ang hahawakan ng Pilipinas sa susunod na buwan.

Ibinigay ng Badminton Asia ang hosting rights pa­ra sa Badminton Asia Team Championships sa Peb­rero 11-16 sa Rizal Memorial Coliseum.

Naniniwala si Badminton Asia Chief Operating Officer Chit Boon Saw na nararapat pamahalaan ng Pilipinas ang continental meet.

“I think the Philippines is one of the fastest deve­lo­ping nations in badminton. And it is good to bring an event like this in a developing badminton country,” pahayag ni Saw.

Ang Asian Championships (individual) ang huling badminton event na pinangasiwaan ng bansa noong 2001.

“The game can be promoted to the masses better with an event like this” ani Saw.

Bukod sa pagiging qualifier para sa Thomas (Men’s) at Uber (Women’s) Cups sa Denmark sa Ma­yo, ang torneo rin ang huling pagkakataon ng mga shuttlers para makakuha ng puntos sa pag-qualify sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Higit sa 290 shuttlers ang inaasahang lalahok sa torneo sa pangunguna ng men’s champion Indonesia at women’s titlist Japan.

Kabuuang 15 men’s teams at 14 women’s squads ang sasabak sa nasabing biennial meet kung saan hahatiin ang dalawang dibisyon sa mga grupo.

BADMINTON ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with