MANILA, Philippines — Pipilitin ni Pinoy warrior Danny Kingad na makabangon mula sa kabiguan kay world flyweight champion Demetrious Johnson sa kanyang pagsabak sa ONE: Fire & Fury sa Enero 31 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Natalo si Kingad kay “Mighty Mouse” sa ONE Flyweight World Grand Prix Championship Finals na tumapos sa kanyang six-bout winning streak.
Lalabanan ni Kingad si Chinese fighter Xie Wei sa hangaring masimulan ang 2020 sa pamamagitan ng panalo.
“Everyone will see something new from me in the coming year,” wika ni Kingad. “With everything that I learned about myself in 2019, the next year will be a chance for me to show how much I have grown. My personal goal is to win every match in order to become worthy of a World Title challenge soon.”
Bago ang pagkatalo kay Johnson ay nauna nang nanalo si Ki-ngad kontra kina Reece McLaren, Senzo Ikeda at Tatsumitsu Wada noong nakaraang taon.
May siyam na panalo si Kingad sa kanyang 11 pagsabak sa ONE Championship.
Ang mga panalo ni Kingad kina McLaren at Wada ay nangyari sa Mall of Asia Arena na nagbigay sa kanya ng ‘homecourt’ advantage laban kay Xie.
Makakasama ni Kingad sa ONE: Fire & Fury ang kanyang mga Team Lakay teammates na sina ONE Strawweight World Champion Joshua Pacio at Eduard Folayang.
Itataya ni Pacio ang kanyang ONE Strawweight World Title laban kay Alex Silva sa main event, habang makakatapat ni Folayang si Ahmed Mujtaba sa isang lightweight contest.