Gin Kings sa Game 1
MANILA, Philippines — Apat na free throws lamang ang iniskor ni resident import Justin Brownlee sa fourth quarter, habang isang supalpal ang ginawa ni Japeth Aguilar laban kay import Allen Durham sa huling 11.3 segundo.
Ang resulta nito ay ang 91-87 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa Meralco sa Game One ng 2019 PBA Governor’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Brownlee na may 38 points at may 16 markers at tatlong blocks ang 6-foot-8 na si Aguilar para sa 1-0 abante ng Gin Kings sa kanilang best-of-seven championship series ng Bolts.
Nag-agawan ng bentahe ang Ginebra at Meralco bago naitala ng huli ang 10-point lead, 61-51 mula sa magkasunod na three-point shots nina center Raymond Almazan at Chris Newsome sa 5:13 minuto ng third quarter.
Nakabangon naman ang Gin Kings para kunin ang 80-73 kalamangan sa 7:54 minuto ng fourth period.
Huling napasakamay ng Bolts ang bentahe sa 87-86 galing sa dalawang free throws ni Durham sa natitirang 1:22 minuto.
Ang tatlong foul shots nina Brownlee at Stanley Pringle ang nagtaas sa Ginebra ng 89-87 sa huling 23.5 segundo kasunod ang butata ni Aguilar kay Durham sa posesyon ng Meralco sa nalalabing 11.3 segundo.
Isinalpak naman ni Brownlee ang dalawa niyang charities para sa pinal na iskor.
- Latest