Drummond nasa trading block
DETROIT — Nakipag-usap na ang Pistons sa ilang koponan, kabilang ang Atlanta Hawks, para mai-trade ang 26-anyos na si Andre Drummond, ayon sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.
“The Hawks have discussed sending a package that includes a 2020 first-round pick via the Brooklyn Nets and the salary-cap relief of expiring contracts for Detroit,” ayon sa report ni Wojnarowski. “A potential deal would include other assets.”
Kung hindi man sa Hawks o sa ibang prangkisa ay tiyak nang mate-trade si Drummond bago ang February 6 deadline.
Maaari ring subukan ni Drummond ang free agency kung tatanggihan niya ang $28.75 million player option para sa 2020-21 season.
Noong Agosto ay sinabi niya sa mga reporters na plano niyang maging isang free agent. “I’m a free agent next summer,” wika ng big man. “It should be fun. I’m excited.”
Nagtala si Drummond ng mga averages na career-high 17.6 points at league-best 15.8 rebounds sa 33 games ngayong season.
Ibinuhos ng ninth overall pick ang buo niyang career para sa Pistons kung saan siya nagkaroon ng dalawang All-Star appearances at tatlong rebounding titles.
- Latest