MANILA, Philippines — Sa kabila ng mahabang pahinga, ‘di paaawat ang Alab Pilipinas sa tangka nitong mapalawig pa ang winning streak kontra sa dayong Macau Wolf Warriors sa pagbabalik-aksyon ng ASEAN Basketball League nga-yon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.
Nakasakay sa four-game winning streak, hangad ng San Miguel-backed franchise na ma-panatili ang init sa alas-7:30 ng gabing laban upang makatablang muli ang lider na Mono Vampire hawak ang 5-1 kartada.
Maalat ang naging simula ng Alab ngayong season matapos na matanggal sa trono noong nakaraang taon subalit nakabalik sa mabangis nitong porma nang umiskor ng apat na sunod na tagumpay bago matapos ang 2019.
Umeskapo ang Alab kontra sa Warriors, 114-110 at Singapore Slingers, 90-83 habang tinambakan nila ang Mono Vampire, 96-73 na sinundan ng kahindik-hindik na 100-93 panalo kontra sa Formosa Dreamers bago mag-Pasko para sa 4-1 baraha ngayon.
Muling babandera sa Philippine representative ang tatlong world imports na sina Sam Deguara, Khalif Wyatt at ABL Player of the Month na si Nick King na nagre-histro ng 18.4 points, 7.4 rebounds at 4.2 assists sa buwan ng Disyembre.
Naririyan pa sina Jason Brickman, Jordan Heading, Louie Vigil, Brandon Rosser, Lawrence Domingo at Jere-miah Gray.
Tinalo na ng Alab ang Macau sa una nilang paghaharap noong Nob-yembre.