DENR Warriors asam ang semis slot

MANILA, Philippines — Muling susubukan ng Department of Envi­ronment and Natural Re­sour­ces na makopo ang ikalawa at huling outright semifinals berth sa pagsa­gupa sa PhilHealth sa 8th UNTV Cup bukas sa Paco Arena sa Manila.

Magtutuos sa ganap na alas-3:30 ng hapon, pi­lit na kalilimutan ng DENR Warriors ang nalasap na 64-74 kabiguan sa PITC Global Traders no­ong nakaraang buwan na dumiskaril sa kanilang pagpitas sa Final Four slot sa annual event para sa mga public servants.

Ang kabiguan ang tumapos sa six-game winning streak ng DENR at nagbigay sa Judiciary, Na­­tional Housing Autho­rity at PITC ng tsansang ma­kapasok sa semis.

Kinuha ng Builders ang 100-96 panalo laban sa PhilHealth Plus para ta­pusin ang second round bit­bit ang 6-3 marka sa itaas ng Judiciary Magis at Malacañang-Philippine Sports Commission Kamao.

Parehong may 5-3 ba­raha ang Magis at Kamao sa torneong may nakala­tag na P4 milyon para sa mapipiling charity ng champion team,  habang ang runner-up ay may P2 milyon na kanila ring ibi­bigay sa charity.

Nasa semis na ang nag­­dedepensang Armed Forces of the Philippines sa bisa ng 7-1 record.

Maaaring tu­mabla ang Kamao sa Buil­ders kung tatalunin ni­la ang Department of Ag­riculture Food Masters.

Maglalaro ang third hanggang sixth placers sa quarterfinals kung saan ang top two finishers ang bubuo sa semis cast sa event na inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.

Show comments