Pacquiao isusunod ni Garcia

MANILA, Philippines — Hindi mawawala sa listahan ni multiple world welterweight titlist Danny Garcia ang pangalan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Isa ang 41-anyos na si Pacquiao sa mga tinatarget ni Garcia (35-2-0, 21 KOs) sakaling talunin niya si Ukranian challenger Ivan Redkach (23-4-1, 18 KOs) sa Enero 25 sa Barclays Center sa Brooklyn.

“Right now, my mindset is January 25th, on Ivan Redkach,” wika ni Garcia sa panayam ng BoxingScene.com. “And after that, we’ll see.”

Maliban kay Pacquiao (62-7-2, 39 KOs) ay pinupuntirya rin ni Garcia si unbeaten IBF at WBC welterweight king Errol Spence (26-0-0, 21 KOs).

“We don’t know. We’ll see if (Spence is)] better. If he’s better, then we’ll fight. If not, then life goes on and we’ll fight somebody else,” wika ng 31-anyos na si Garcia.

Si Garcia ay matagal nang gustong itapat ni Hall of Fame trainer Freddie Roach kay Pacquiao bago pa man siya palitan ni Filipino trainer Buboy Fernandez.

Wala pang opisyal na pahayag ang fighting Senator kung sino ang gusto niyang labanan matapos ang split decision win kontra kay American Keith Thurman noong Hulyo 20.

Gusto ding labanan ni Spence sa susunod na taon ang sinuman kina Garcia, Pacquiao at WBO title-holder Terence Crawford (36-0-0, 27 KOs).

Show comments