May natutunan ang TNT Katropa
MANILA, Philippines — Sa bawat pagkakamali ay may natututuhang leksyon.
Ito ang prinsipyo ni head coach Bong Rave-na matapos mabigo ang TNT Katropa na makuha ang ikalawang championship berth ng 2019 PBA Governor’s Cup.
Sinibak ng Meralco Bolts ang Tropang Texters, 3-2, sa kanilang best-of-five semifinals series.
“May improvements naman,” sabi ni Ravena sa naging kampanya ng TNT Katropa sa season-ending conference. “But it’s a learning opportunity sa amin ito. We have to learn from this and later on, madadala namin ang experience na ito.”
“Iyong experience na we lost, it’s going to be a learning lesson for us na next time, sana hindi na mangyari,” dagdag pa ng dating PBA guard na nakatuwang si active consultant Mark Dickel sa bench.
Dinala ni dating Houston Rockets guard KJ McDaniels ang Tropang Texters sa 2-1 abante sa kanilang serye ng Bolts bago naisuko ang Games Four at Five.
Ayon kay Ravena, ang kawalan nila ng depensa sa Game Five ang isa sa mga naging dahilan ng kanilang pagkatalo.
“At the end of the day, it’s all about defense. For us, we have to play defense, hindi lang puro opensa. We have to make stops, and then offense will just follow,” wika ni Ravena.
Inangkin ng Meralco ang 89-78 panalo sa Game Five ng kanilang serye ng TNT Katropa para umabante sa ikatlo nilang PBA Finals appearance katapat ang karibal na Barangay Ginebra.
Magsisimula ang best-of-seven cham-pionship showdown ng Bolts at in Kings sa Ene-ro 8 sa Smart Araneta Coliseum.
Tinalo ng Ginebra ang Meralco noong 2016 at 2017 PBA Governor’s Cup Finals bago nasingitan ng Magnolia noong nakaraang taon.
- Latest