^

PM Sports

May asim pa rin si Pacquiao

Pang-masa
May asim pa rin si Pacquiao
Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Sa edad na 41-anyos, may asim pa ang alamat na si Manny Pacquiao.

Malakas pa siya at kaya pang makipagsabayan sa mga mas batang mandirig­ma.

Subalit hindi rin ma­ita­tanggi na maaring pa­palapit na rin sa dapit-ha­pon ng kanyang karera at ilang laban na lamang mula sa opisyal na pagsasara ng pi­nilakang-tabing kinatampu­kan ng hindi ma­lilimutang mga laban sa loob ng dalawang dekada.

Kaya’t sa pagtatapos na­­man ng isang taon sa ala­­mat ng natata­nging si ‘Pacman’, halina’t mag­ba­lik-tanaw sa kanyang boxing superstardom kalakip ang mga pa­­buyang naibulsa niya sa paglalakbay mula nang sumiklab ang pro-boxing career no­ong 1990’s.

Edad 16-anyos si Pacquiao nang simulan ang bo­­xing career sa Maynila mu­la sa General Santos City subalit nagkaroon siya ng oportunidad sa ka­saysayan noong 2001 na hin­di niya sinayang.

Napili bilang replacement boxer lamang kontra kay Lehlo Ledwaba para sa world bantamweight title, sinulit ni ‘Pacman’ ang tsansa nang patumba­hin ang karibal upang ianunsyo ang kanyang maugong na pagda­ting sa world boxing.

Kumita lamang siya ng $40,000 sa laban.

Nagpatuloy ang pag-angat ni Pacquiao sa bo­xing pedestal kontra sa mga kilalang boxers na si­na Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Juan Ma­nuel Marquez, Miguel Cotto, Oscar Dela Hoya, Jo­shua Clottey, Antonio Mar­garito, Ricky Hatton at Floyd Mayweather Jr.

Sa kabuuan, sumalang si Pacquiao sa 25 na PPV fights at kumita sa PPV buys ng $20 mil­yon.

Umabot din ang mga naturang PPV buys sa buong mundo ng tumatagin-ting na $1.25 bilyon.

Pinakamalaki dito ang 4.6 million PPV buys kontra kay Mayweather na siyang pinakamala­king PPV buys sa kasaysa­yang ng boxing.

Binansagan itong “Fight of the Century.”

Sa naturang laban din sa pagitan ng dalawang pinakamagaling na boxer sa 2000s ay ku­mita si Pac­quiao ng pam­bihirang $120 mil­yon na siyang pinakamalaking kita niya sa buong karera.

Mula sa $40,000 sa kan­yang unang pro fight hanggang sa pagkita ng 3,000 beses na higit pa para sa $120 milyon na ear­nings.

Ilan pang laban ang si­nabakan ni Pacquiao sa kabila ng tumatandang edad, pinakabago na nga ang TKO win kontra kay Keith Thurman para sa WBA super welterweight title. Kumita siya dito ng hanggang $10 milyon.

Sa kabuuan ng kanyang karera ay kumita si Pacquiao ng halos $ 423.5 milyon o P23. 5 bilyon.

Subalit bukod doon ay walang kaparis na halaga ang kanyang mga para-ngal na naisukbit, impluwensya at inspirasyon na kanyang nabigay sa mga tao ay walang katumbas na karangalang inihandog sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging pub­lic servant ngayon bi­lang Senador, natanghal na si Pacquiao bilang natatanging eight-division world champion, 3-time Fighter of the Year, Figh­ter of the Decade, greatest Asian boxer of all time, greatest southpaw boxer in history at best pound for pound fighter.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with