MANILA, Philippines — Tapos na ang hulaan kung sino ang tigasing local horse ng bansa ito’y matapos sikwatin ng Super Sonic ang korona sa 47th Presidential Gold Cup Race noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Sakay ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-year awardee Jessie Guce, ipinakita ng liyamadong Super Sonic ang kanyang husay sa rematehan at dinungisan nito ang malinis na performance ng Princess Eowyn.
Matagal nang pinaghaharap ng mga karerista ang Super Sonic at Princess Eowyn kaya naman nagdagsaan ang mga fanatiko ng dalawang kabayo sa karerahan para masaksihan ang paglalaban ng kanilang idolo.
Sinunggaban ng se-cond choice favorite Princess Eowyn ang unahan sa largahan habang pumuwesto ang Super Sonic sa pang-anim para magmasid at kumuha ng tamang tiyempo.
“Mahaba ‘yung karera kaya sa bandang likod hinayaan ko sina Princess Eowyn at Sepfourteen sa unahan,” ani Guce, anak ni dating star jockey at legend Jesus “El Maestro” Guce.