Bataan, Mindoro at Biñan wagi

BALANGA, Bataan, Philippines — Nalampasan ng Bataan Risers ang ratsada ni Allyn Bulanadi sa fourth quarter para talunin ang Basilan Steel, 91-83 at pa-lakasin ang kanilang playoffs drive sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season noong Huwebes ng gabi dito sa Bataan People’s Center.

Nagtala ng 22-point at kinuha ang 67-47 abante patungo sa final frame, nakita ng Risers ang paghataw ni Bulanadi ng 23 points para idikit ang Steel sa 83-89 sa huling 24 segundo.

Nagsalpak naman si Joseph Nalos ng dalawang charities sa nalalabing 20 segundo na tumiyak sa pang-15 panalo ng Bataan sa North division.

Pinamunuan ni John Bryon Villa-rias ang Camaya Coast-supported Ri-sers sa kanyang 17 points, 6 rebounds at 6 assists habang naglista si Chito Jaime ng 13 points at 5 rebounds kasunod ang 12 markers ni Reed Juntilla.

Tumapos naman ang 6-foot-2 na si Bulanadi na may 26 points at 3 rebounds sa panig ng Jumbo Plastics-backed Steel, napigilan ang six-game winning run.

Nagdagdag si Cris Dumapig ng 13 points at may 12 markers si Arvie Bri-ngas para sa Basilan.

Pinabagsak naman ng Mindoro Tamaraws ang Rizal Golden Coolers, 74-73 at giniba ng Biñan City Luxxe White ang Caloocan Supremos, 72-68.

Kumonekta si Richard Abanes ng isang free throw sa huling dalawang segundo para sa 9-17 baraha ng Mindoro sa South.

Binanderahan ni Abanes ang Min-doro sa kanyang 22 points.

Nagpaputok naman si Jordan Rios ng game-high na 24 points para sa 4-18 baraha ng Rizal sa North.

Pinamunuan ni Clark Bautista ang Biñan mula sa kanyang 20 points.

Umakyat ang Biñan sa 11-14 para palakasin ang kanilang playoffs bid sa South division.

 

Show comments