^

PM Sports

Judiciary, NHA at PITC may habol pa sa outright semis

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanatiling buhay ang pag-asa ng Judiciary, Natio­nal Housing Authority at Philippine International Trading Corporation (PITC) para sa ikalawang outright semis berths matapos ang magkakahiwalay na panalo sa 8th UNTV Cup na ginanap noong weekend sa San Juan City gym.

Pinakamalaking panalo ang naitala ng PITC Glo­bal Traders nang kanilang silatin ang dating unbeaten na Department of Environment and Natural Resour­ces Warriors, 74-64 sa pagbibida ni Rod Vasallo.

Lumayo ang Global Traders sa second quarter para ipalasap sa Warriros ang unang talo matapos ang pitong sunod na tagumpay sa tournament na inorganisa ni UNTV president and CEO Dr. Daniel Razon para sa mga public servants kung saan ang champion team ay makakapagbigay ng P4 milyon sa mapipiling charity.

Ang kabiguan ng DENR ang nagtulak sa Armed Forces of the Philippines sa liderato taglay ang 7-1 record.

Ang Builders ni coach Benneth Palad ay umangat sa 6-3 matapos ang 100-96 panalo sa PhilHealth Plus.

Nagtulong sina Alvin Vitug at Marvin Mercado para pangunahan ang NHA sa kanilang 24 at 22 points, ayon sa pagkakasunod.

Double-double si Mer­ca­do sa kanyang13 boards.

Natuhog naman ng Judiciary Magis, ang ikaapat na sunod na panalo nang kanilang igupo ang Department of Agriculture Food Masters, 81-72 para makatabla sa Malacañang-Philippine Sports Commission at PITC sa fourth to sixth places sa 5-3.

Si dating PBA player Chester Tolomia ang buman­dera sa pananalasa ng Judiciary sa second quarter para mabura ang 27-15 deficit na nag-angat sa kanila sa 41-40 halftime advantage at hindi na lumingon pa nang tumulong sina Warren Ybañez at Christopher dela Cruz na tumapos na may tig-13 puntos.

UNTV CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with