Malaking cash Incentives paghahandaan ng PSC

MANILA, Philippines — Siguradong malaking halaga ng cash incentives ang ipamimigay ng Philippine Sports Commission base sa pamamayagpag ng Team Philippines sa kasalukuyang 30th Southeast Asian Games.

Matapos ang anim na araw na kompetisyon kama­kalawa ay pumalo na sa 70-gold mark ang Pinoy athletes at marami pang sport ang pinaglalabanan bago magsara ang kompetisyon sa Miyerkules sa New Clark City Stadium.

Base sa batas na ipinasa noong November 2015, na Republic Act 10699 o ang tinatawag na National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, nakasaad dito na ang mga national athletes ay bibigyan ng benefits at incentives kapag nanalo sa international sports competitions kabilang ang SEA Games.

Base sa naturang batas, ang bawat individual gold medal ay may katumbas na P300,000 cash incentive, P150,000 para sa silver at P60,000 para sa bronze na magiging magandang pamasko sa mga SEAG medalists.

Ito rin ang insentibo para sa mga  team na may five players pababa na kanilang paghahati-hatian.

Kung ang koponang nanalo ay binubuo ng higit sa limang members, ang bawat player ay tatanggap ng 25% ng naturang halaga.

Kapag nag-retire ang mga SEA Games winner  mayroon din silang mga benefits.

Tatanggap naman ang mga coaches ng kalahati ng halaga ng mga cash incentive amount, ngunit kinakailangang sinanay ng coach ang athlete o ang team ng hindi bababa ng anim na buwan bago ang SEA Games. Kung isang team ang coaching staff, paghahati-hatian nila ang halaga na katumbas ng kanilang panalo.

 

Show comments