MANILA, Philippines — Maraming Pinoy ang naging proud at nakaramdam ng pagiging Pinoy sa ganda ng matagumpay na world class na opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games na ginanap kamakalawa sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Paglabas ng mga atletang Pilipino sa parada ng mga teams na may temang Santacruzan, hiyawan ang tinatayang 50,000 crowd kasama si Presidente Rodrigo Roa Duterte na nakita pang sumasayaw habang tumutugtog ang kantang “Manila.”
Kumalat sa social media ang mga litrato ng opening ceremony kasabay ng pagbibigay suporta sa Pambansang koponan na pinakahuling bansang pumarada.
Nahuli rin si Senator Bato Dela Rosa na sumasayaw habang nagma-martsa ang Philippine delegation.
Bukod kay Duterte, kasama niyang head of state ang Sultan ng Bru-nei na si Hassanal Bol-kiah para matunghayan ang nakakabighaning opening ceremony para sa pinakamalaking edis-yon ng biennial games na naglatag ng pinakamaraming 56 sports.
Inilatag din sa programa ang malalim na kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng makukulay na presentasyon na gawa ng mga world-class producers na siya ring humawak sa opening ceremony ng Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang taon.
Nakakuha rin ng pa-puri ang mahuhusay na singers ng bansa sa pa-ngunguna na ni Lani Mi-salucha na siyang umawit sa Lupang Hinirang.
Tinapos ang prog-rama ng pag-awit sa official theme song ng SEA Games na “We Win As
One.” PJC