Davis humataw para sa Lakers

NEW ORLEANS -- Naging dramatiko ang pagbabalik ni Anthony Davis sa lungsod at sa dati niyang koponan.

Nagpasabog si Davis ng 41 points para banderahan ang Los Ageles Lakers sa 114-110 paggiba sa Pelicans.

Sinelyuhan ni Davis, dating kamador ng New Orleans, ang inbound pass ni Jrue Holiday sa huling limang segundo kasunod ang kanyang game-sealing free throws para sa pang-siyam na sunod na ratsada ng Los Angeles.

Naglista naman si LeBron James ng 29 points at 11 assists para sa Lakers samantalang may 16 markers naman si Kyle Kuzma.

Tumapos si Holiday na may 29 points at 12 assists para banderahan ang Pelicans, nakahugot kay Brandon Ingram ng 23 points at 10 rebounds.

Sa Milwaukee, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at 10 rebounds habang may 16 markers si Khris Middleton para ihatid ang Bucks sa 111-102 panalo kontra sa Atlanta Hawks.

Sa Philadelphia, humakot si big man Joel Embiid ng 33 points at 16 rebounds para pamunuan ang 76ers sa 97-91 pagpapatumba sa Sacramento Kings.

Sa Boston, nagbalik si star guard Kemba Walker mula sa isang neck injury at kumamada ng season-high 39 points at iginiya ang Celtics sa 121-110 panalo laban sa Brooklyn.

Show comments