Pogoy out, Slaughter in
MANILA, Philippines — Napilayan ang Gilas Pilipinas papalapit sa 30th Southeast Asian Games matapos madale ng back injury si Roger Pogoy.
Kinumpirma ni Talk N’ Text at Gilas team ma-nager Gabby Cui ang injury ni Pogoy na natamo niya sa 98-97 panalo ng KaTropa kontra sa Magnolia sa 2019 PBA Governors’ Cup quarterfinals action kamakalawa.
Ayon sa MRI test ni Pogoy, nagtamo siya ng disx bulge sa kanyang lumbosacral joint na kailangan niyang ipahinga ng isang linggo. Sasailalim din siya sa rehab matapos ang pahinga.
Ibig sabihin nito ay ‘di na makakasama si Pogoy sa ensayo ng Gilas at ‘di aabot sa SEA Games basketball competition na natakda mula Disyembre 4 hanggang 11 sa MOA Arena sa Pasay City.
Tinitingnang kapalit ni Pogoy sa 12-man line up ang 7’0 big man na si Greg Slaughter.
Nauna nang sinabi ni Gilas coach Tim Cone na nasa kunsiderasyon pa rin ang Ginebra center kung mapapatunayang magaling na ito mula sa natamong thumb injury at kung sakaling may mapi-pilay sa original roster.
Hindi naman inaasahang magkaroon nga ng injury sa final 12 roster na magbibigay ng oportunidad kay Slaughter na makasabit sa koponan.
Kandidato rin sa posis-yon ni Pogoy sina Jayson Castro, Art Dela Cruz at Scottie Thompson na siyang huiling na-cut mula sa original training pool.
Idudulog ng Sama-hang Basketbol ng Pilipinas ang pagpapalit ng manlalaro sa managers’ meeting sa Dec 3.
- Latest