MANILA, Philippines — Nanawagan sina Alejandro Baldo Jr, dating Philippine Azkals U22 team member, Chris Tiu, dating team Captain ng Gilas Pilipinas national team at Anton Cayanan, member ng Philippine Badminton Team sa publiko na magkaisa at suportahan ang “Team Philippines”.
Ibinahagi ng mga nabanggit na atleta sa kanilang social media accounts ang kanilang mga karanasan sa mga international tournaments tulad ng mga nararanaasan ngayon ng mga atleta sa SEA Games.
Nakaranas din ang mga national athletes ng inconveniences na karaniwan sa mga international tournaments ngunit hindi sila nagpaapekto sa mga bagay na ito.
Imbes na magbatikos, hiling ni Alejandro Baldo Jr., dating Philippine Azkals player na gamitin na lang ang energy sa pagsuporta sa mga Pinoy athletes.
“Dahil wais tayong mga Pinoy imbes na magalit at magreklamo ginawa na lang natin to sa pinakamasayang expe-rience,” ani Baldo.
“For sure ‘di lang kami ang sports na nakaranas ng mga pagkukulang noong 2017 SEAG,” sabi naman ni Cayanan.
Nakaranas din si Chris Tiu, dating PBA cager ang mga problema sa international events bilang sports delegate ngunit hindi ito naging hadlang para lumaban.
“Sports is certainly a great platform to inspire the youth, promote good values and unite a nation. Let us not use it to divide us” ayon sa instagram post ni Tiu.
Umaasa ang lahat ng Pinoy athletes na ibibigay ng kanilang mga kababa-yan ang suporta para mas tumaas ang kanilang morale at kumpiyansa kaysa sa makabasa o makarinig ng mga negatibong balita.