PORTLAND — Tila hindi nangalawang si vete-ran forward Carmelo Anthony sa kanyang pagla-laro para sa Trail Blazers sa kabila ng pagkakatengga ng halos isang taon.
Malaki ang nabago sa depensa at opensa ni Anthony, ayon sa kanyang trainer.
Sinabi ni trainer Alex Bazzell sa isang panayam na pinuwersa niya si Anthony na gawin ang lahat ng makakaya nito para mapatibay ang depensa lalo na sa mga pick-and-roll.
“He was completely bought into the (idea that on) the defensive side of the ball, he’s got to get better,” sabi ni Bazzell sa 10-time All-Star. “He was bought into not being able to hold the ball (on offense). We would still work on his mid-post because I think that’s going to be a part of his game that he’s going to have to rely on to score every now and then. You don’t take that away, you keep all of that fresh.”
Bukod sa depensa ay nagbago rin ang opensa ni Anthony.
Tinulungan ni Bazzell si Anthony sa pagsasanay ng veteran star simula noong Hunyo hanggang Agosto sa Los Angeles at sa New York bago magsimula ang season.
Kamakailan lang ay lumagda ng kontrata si Anthony para maglaro sa Portland.