AFP, DENR sasabak sa 2nd round ng UNTV Cup
MANILA, Philippines — Pipilitin ng nagdedepensang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Environment and Natural Resources na palawigin ang kanilang mga winning streak sa pagsagupa sa magkaibang karibal sa crossover second round ng 8th UNTV Cup ngayon sa San Juan City gym.
Lalabanan ng AFP Cavaliers, may 5-0 marka para pamunuan ang Group A, ang National Housing Authority Builders sa ganap na alas-5 ng hapon.
Makakasukatan naman ng DENR Warriors, nagtala rin ng 5-0 sweep sa Group B, ang Department of Agriculture Food Masters sa alas-3:30.
Sa unang laro sa alas-2 ay magkikita ang Malacañang-Philippine Sports Commission at PhilHealth para pagandahin ang kani-kanilang 2-3 baraha sa event na inorganisa para sa mga public servants ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.
Ang mapipiling charity ng champion teams ay makakakuha ng tax free P4 million prize at ang foundation na tutukuyin ng runner-up ay tatanggap ng P2 milyon.
Ang Cavaliers ay muling igigiya nina Boyet Bautista, Eugene Tan, Alvin Zuñiga at Jerry Lumungsod.
- Latest