MANILA, Philippines — Nagsipagpanalo ang Judiciary at Philippine International Trading Corporation para umusad sa crossover second round ng 8th UNTV Cup nitong weekend sa Pasig City Sports Center.
Sumandal ang two-time champions Judiciary Magis sa solid all-around game ni dating PBA player Warren Ybanez upang igupo ang Philippine National Police Responders, 78-72 at makopo ang ikaapat at huling second round berth sa Group B elims sa 2-3 record kung saan makakasama nila ang unbeaten Department of Environment and Natural Resources (5-0), Malacañang-Philippine Sports Commission (4-1) at National Housing Authority (3-2) sa torneong inorganisa ni UNTV president and CEO Daniel Razon para sa mga public servants.
Dinurog naman ng PITC Global Traders ang Ombudsman Graftbusters, 87-70 sa Group A para umusad din sa second round sa 3-2 marka.
Nauna nang sumulong sa Group A ang defending champion Armed Forces of the Philippines (5-0), Dept. of Agriculture at PhilHealth Plus.
Limang Judiciary players ang umiskor ng double figures sa pangunguna ni Regilito Malinao knocking na may 13 puntos bukod pa sa anim na rebounds at limang assists.
Nanguna sa PITC si dating Letran player Aloysius Taplah na may 26 points.
Sa second round, haharapin ng Group A teams ang Group B teams sa single round at ang top two teams ay pasok sa semis.