MANILA, Philippines — Alam ni coach Pido Jaencio kung saan pupulutin ang kanyang mga Batang Pier kapag natuloy sa tatlo ang kanilang kamalasan.
Sumandal ang NorthPort kina import Michael Qualls at Christian Standhardinger para balikan ang NLEX, 102-94, sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Kumolekta si Qualls ng 36 points at 11 rebounds, habang nagtala si Standhardinger ng 23 markers, 19 boards at 2 assists para sa ikaapat na panalo ng Batang Pier sa 10 laro at buhayin ang tsansa sa quarterfinals.
“Players wanted to win this game kasi do-or-die game for us. Kung hindi, out na tayo for the conference,” wika ni Jarencio.
Tinapos ng NorthPort ang kanilang dalawang sunod na kamalasan kasabay ng pagpigil sa five-game winning streak ng NLEX, may bitbit nang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
Mula sa 15-point deficit sa first half para ay bumangon ang Batang Pier para agawin ang 81-78 bentahe sa pagsasara ng third quarter.
Pinamunuan nina Qualls at Standhardinger ang ratsada ng NorthPort sa final canto para ilista ang 96-87 kalamangan sa huling 3:15 minuto ng laro.
Pinamunuan ni import Manny Harris ang NLEX mula sa kanyang 34 points, 8 rebounds at 3 blocks, habang may 16 at 10 markers sina Kiefer Ravena at JR Quinahan, ayon sapagkakasunod. NorthPort 102 – Qualls 36, Standhardinger 23, Anthony 19, Ferrer 9, Elorde 7, Taha 4, Mercado 2, Lanete 2.
NLEX 94 – Harris 34, Ravena 16, Quinahan 10, Cruz 7, Erram 7, Fonacier 6, Miranda 5, Paniamogan 4, Taulava 3, Soyud 2.
Quarterscores: 25-28; 43-51; 81-78; 102-94.