DENR Warriors tinalo ang NHA para walisin ang Group B ng UNTV Cup
MANILA, Philippines — Tuluyan nang winalis ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Group B matapos gibain ang National Housing Authority, 87-84, sa 8th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.
Sinapawan ni Paul Parreno ang limang DENR teammates na umiskor ng double figures matapos isalpak ang buzzer-beating triple na bumasag sa 77-77 pagkakatabla.
Ito ang pang-limang sunod na ratsada ng Warriors sa annual tournament para sa mga public servants.
Umiskor si Ed Rivera ng 17 points para sa DENR kasunod ang tig-15 markers nina Melvin Bangal at Archie Gamboa.
Tumapos si Parreno na may 9 points para sa Warriors na pinantayan ang 5-0 record ng Group A leader at nagdedepensang Armed Forces of the Philippines.
Samantala, tinalo ng Philippine National Police ang GSIS, 94-63.
Sa kanilang 3-1 baraha ay kailangan ng PNP Responders na manalo sa huli nilang laro para makapasok sa second round ng torneong inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.
- Latest