Strikers, Realtors nakabangon

MANILA, Philippines — Nakabangon mula sa kanilang mga kabiguan ang Bacoor Strikers at Pasig Sta. Lucia Realtors para makabalik sa ka­nilang porma sa Ma­har­lika Pilipinas Basketball League Lakan Sea­son kamakalaawa ng gabi sa Olivarez College Gymnasium sa Pa­rañaque City.

Pinabagsak ng Stri­kers ang Navotas Uni-Pak Sardines, 87-78, at sumandal ang Real­tors kina Robbie Ma­nalang at Josan Michael Nimes para igupo ang Bulacan Kuyas, 77-72.

Nakahugot ng puntos ang Strikers ki­na Mi­­chael Canete at Nick De­musis para itaas ang kanilang record sa 16-5 sa South division sa ila­lim ng Davao Occidental Tigers (16-3).

Tumapos si Canete na may 22 points, habang may 20, 12 at 10 mar­kers sina Demusis, Christopher Sumalinog at RJ Ramirez, ayon sa pagkakasunod.

Nakakuha ang Na­vo­tas ng 15 points kay Jhong Bondoc kasunod ang 12 markers ni Osama Abdurasad para sa ka­nilang 5-13 marka sa North division.

Nagpasabog si Ma­nalang ng 26 points ka­sama ang li­mang triples at nagdag­dag si Nimes ng 21 mar­kers para sa pan­alo ng Realtors kontra sa Ku­yas.

Sa huling laro, ti­na­ka­­san ng Parañaque Patriots ang Soccsksargen Marlins, 73-70, para sa ka­­nilang 8-11 marka.

 

Show comments