^

PM Sports

Dragic nanguna sa panalo ng Heat

Pang-masa

PHOENIX — Nahirang si Goran Dragic sa NBA All-Star dalawang seasons na ang nakaka­li­pas.

At hindi ito nakakali­mutan ni Miami coach Erik Spoelstra.

Humugot ang 12-year veteran na si Dra­gic ng 20 sa kanyang 25 points sa second half para tulungan ang Heat sa 124-108 pagpapa­bagsak sa Phoenix Suns.

“It’s a great luxury for us to bring an All-Star talent, in his prime still, off the bench,” wika ni Spoelstra. “I don’t take for that granted. And I’m going to make sure the team doesn’t take that for granted.”

Humataw naman si Jimmy Butler ng 34 points para sa pagba­ngon ng Miami mula sa naunang 20-point loss sa Denver Nuggets no­ong Martes.

Sa Los Angeles, ku­monekta si Lou Williams ng go-ahead jum­per sa natitirang 58 se­gundo at nagdagdag ng three-pointer para iha­tid ang Clippers sa 107-101 paggupo sa Portland Trail Blazers.

Tumapos si Williams na may 26 points para sa pang-900 victory ni Clippers head coach Doc Rivers.

Kumolekta si Kawhi Leonard ng 27 points at 13 boards para sa ka­n­yang pagbabalik ma­ta­pos magpahinga sa ka­bi­guan ng Clippers sa Mil­­waukee Bucks.

Sa Charlotte, umiskor si Jayson Tatum ng 23 points, habang may 14 markers si Kemba Walker para akayin ang Celtics sa 108-87 pananaig laban sa Hornets.

Naglaro si Walker ng walong seasons para sa Hornets bago lumipat sa Celtics makaraang hindi bigyan ni Charlotte team owner Michael Jor­­dan ang playmaker ng five-year, $221 million supermax contract.

Sa San Antonio, nagpasabog si center La­Marcus Aldridge ng season-high na 39 points sa 121-112 panalo ng Spurs kontra sa Oklaho­ma City Thunder.

 

DRAGIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with