^

PM Sports

Tigers lusot sa Tamaraws; sasagupa naman sa Maroons

Paul Jerome Carpio - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binuhat ni MVP Soulemane Chabi Yo ang Univeristy of Santo Tomas sa 81-71 paggupo sa Far Eastern Univeristy sa stepladder round ng Season 82 UAAP men’s bas­ketball tournament ka­hapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Nagpasabog ang 6-foot-6 na si Chabi Yo ng 25 points, 10 rebounds at 3 assist at umagapay naman sa kanya si Brent Paraiso na may 18 mar­kers at 5 rebounds para tulungan ang Growling Tigers na umabante sa ika­lawang bahagi ng stepladder semifinals.

“Nothing comes ea­sy.” sabi ni coach Aldin Ayo. “Walang madali eh. Right from the start ng season namin talagang mahirap eh. Itong laro na ito akala namin madali, pero FEU ‘yung kalaban namin eh. Hindi basta bi­bigay.”

Hindi rin nagpahuli si­na Enzo Subido at Renz Abando pa­ra sa UST sa ka­nilang 14 at 9 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Chabi Yo ang ratsada ng Grow­ling Tigers sa se­cond period kung saan ni­la kinuha ang 54-28 abante mula sa lay-up ni Mark Nonoy sa hu­ling 15.5 segundo ng laro.

Tinapyas naman ng Ta­­maraws ang nasabing 26-deficit para makalapit sa 71-78 sa likod ng tri­ple ni Xyrus Torres sa hu­ling 38.8 segundo ng bak­bakan.

Iyon na ang huling na paramdam ng FEU matapos maghulog ng free throws sina Zach Huang at Paraiso para selyuhan ang panalo ng UST.

Sasagupain ng Grow­ling Tigers ang No. 2 University of the Philippines Fighting Maroons sa ikalawang knockout game sa Linggo.

Bitbit ng UP ang ‘twice-to-beat’ advantage.

BAS­KETBALL

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with