Berkeley at ISBB kampeon sa SBP Luzon

MANILA, Philippines — Nagsalpak si John Paul Dionisio ng layup sa huling anim na segundo para itakas ang Berkeley School laban sa International School for Better Beginnings, 55-54, at angkinin ang ko­rona ng Small Basketeers Philippines (SBP) Luzon sa Easter College court sa Baguio City.

Diniskaril ng Berkeley School ang hangad na back-to-back championship ng ISBB.

Napanatili namang suot ng ISBB ang Passerelle title mula sa 75-63 pa­nalo sa Don Bosco Technical Institute.

Umabante ang Ber­keley School at ISBB sa national finals ng tor­­neong inorganisa ng BEST Center katuwang ang Milo, Rain of Shine, Chris Sports at SKLZ.

Show comments