Berkeley at ISBB kampeon sa SBP Luzon
MANILA, Philippines — Nagsalpak si John Paul Dionisio ng layup sa huling anim na segundo para itakas ang Berkeley School laban sa International School for Better Beginnings, 55-54, at angkinin ang korona ng Small Basketeers Philippines (SBP) Luzon sa Easter College court sa Baguio City.
Diniskaril ng Berkeley School ang hangad na back-to-back championship ng ISBB.
Napanatili namang suot ng ISBB ang Passerelle title mula sa 75-63 panalo sa Don Bosco Technical Institute.
Umabante ang Berkeley School at ISBB sa national finals ng torneong inorganisa ng BEST Center katuwang ang Milo, Rain of Shine, Chris Sports at SKLZ.
- Latest