^

PM Sports

Bakbakang umaatikabo sa ‘do-or-die’ game ng FEU at UST

Paul Jerome Carpio - Pang-masa
Bakbakang umaatikabo sa ‘do-or-die’ game ng FEU at UST
Renz Abando at Wendell Comboy

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang third seed Far Eastern University at fourth seed University of Santo Tomas sa stepladder ng se­mi­final round sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Smart Ara­neta Coliseum.

Nakatoka ang knockout game ng Tamaraws at Growling Tigers ngayong alas 4 ng hapon kung saan ang mananalo ay hahara­pin ang nag-aabang na No. 2 seed University of the Philippines na may ‘twice-to-beat’ advantage.

Umabante ang nag­de­­­­depensang Ateneo De Ma­­nila University sa best-of-three finals matapos walisin ang double round eli­mination kaya ang tatlong koponan ang maglalaglagan sa stepladder.

Binanderahan ni Wendell Comboy ang ratsa­da ng Tamaraws patungo sa three-game winning streak para makatungtong muli ang koponan sa semifinals.

“Siyempre, last year ko na rin, ayaw ko namang ma-out kami, ma-eliminate kami sa eliminations pa lang. Iyong mga sleepless nights, sobrang worth it.” ani Comboy sa kanilang huling pa­nalo kontra sibak nang University of the East.

Bukod kay Comboy ay tiyak na sasandal muli si coach Olsen Racela ki­na LJ Gonzales, Ken Tuffin, Cameroonian Patrick Tchuente at Barkley Ebona na pangunahing pu­wersa ng FEU.

Itatapat naman ni UST head coach Aldin Ayo si­na Renz Abando, Enzo Subido, Brent Paraiso, im­port Soulemane Chabi Yo at Mark Nonoy.

Nakauna ang Grow­ling Tigers nang lapain ang Tamaraws sa una ni­lang paghaharap sa first round, 82-74, noong Set­yembre 23.

Nakaresbak naman ka­­agad ang FEU sa se­cond round nang kunin ang 72-58 panalo noong Oktubre 13 kaya inaasahan ang dikdikan na la­ba­nan nila ng UST.

BASKETBALL

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with