Cavaliers binistay ang Graftbusters

MANILA, Philippines — Dumiretso ang nag­de­depensang Armed Forces of the Philippines sa kanilang pang-li­mang sunod na panalo, habang ginulat ng Department of Environment and Na­tural Resources ang Ma­lacañang-Philippine Sports Commission, 80-77, sa 8th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.

Pinatumba ng AFP Ca­valiers ang Ombudsman Graftbusters, 92-74, para manatiling lider sa Group A elims ng annual tournament para sa mga public servants.

Binura ng Cavaliers ang 13-20 first quarter de­ficit sa likod nina Romeo Almerol at Wilfredo Casulla para ungusan ang Graftbusters sa 67-55 patungo sa payoff pe­­riod.

Humataw si Alme­rol ng 21 points para sa Cavaliers, nakahu­got kina Casulla, Jerry Lumungsod at dating Letran guard Boyet Bautista ng tig-17 mar­kers.

Samantala, pinabagsak naman ng PhilHealth ang SSS, 104-80, para itaas ang kanilang marka sa 2-3 sa team standings sa Group A.

Show comments