MANILA, Philippines — Naitulak ng nagdedepensang National University-Nazareth School at University of Santo Tomas sa ‘do-or-die’ ang kanilang mga semifinals matches sa UAAP Season 82 boys’ volleyball tournament sa Blue Eagle Gym kahapon.
Pinapak ng Bullpups ang No. 2 University of the East, 25-19, 25-18, 25-22, at sinagpang ng Junior Tiger Spikers ang No. 1 Far Eastern University-Diliman, 25-20, 20-25, 26-24, 25-22.
Kapwa may bitbit na ‘twice-to-beat’ edge ang Junior Warriors at Baby Tams.
Ang dalawang ‘do-or-die’ matches na ilalaro sa Miyerkules sa Paco Arena ang magdedetermina sa maglalaban para sa korona.
Humataw si Arvin Bandola ng 13 points kasama ang 2 blocks at 14 receptions para sa Bullpups, habang nagtala si Michael Fortuna ng 12 markers kasama ang 2 blocks at 10 digs kontra sa Junior Warriors.
Nag-ambag si Rey De Vega ng 20 points at nagdagdag si CJ Segui ng 12 points, 27 receptions at 10 digs para sa panalo ng Junior Tigers Spoikers laban sa Baby Tams.