^

PM Sports

Ateneo diretso sa finals

Paul Jerome Carpio - Pang-masa
Ateneo diretso sa finals
Kinuyog nina Isaac Go, Matthew Daves at Tyler Tio ng Ateneo si Jerson Prado ng UP.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Tuluyan nang dumi­retso ang Ateneo De Manila University sa championship round matapos walisin ang double-elimi­nation round sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay Ci­ty.

Pinulutan ng Blue Eagles ang University of the Philippines Figh­ting Ma­roons, 88-64 para sa ka­nilang malinis ang 14-0 kartada sa pagtatapos ng eli­minasyon.

Ito rin ang unang pag­kakataon sa kasaysa­yan na naka-sweep ang Ka­tipunan-based team sa eli­mi­nasyon.

Sa nasabing panalo ay matutuloy ang stepladder format kung saan maghihintay ang Ateneo sa Finals, habang maghaharap sa knockout match ang University of Santo To­mas at Far Eastern University.

Ang magwagi ay lalaban sa No. 2 seed University of the Philippines tangan ang ‘twice-to-beat’ advantage.

Muling nanguna sa opensa si Ivorian bigman Ange Kouame na nagtala ng 20 points, 12 boards at 5 blocks katuwang sina SJ Belangel, Will Navarro at Thirdy Ravena na may 14, 13 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Lumayo ang Blue Eagles sa huling apat na mi­nuto ng second quarter, 43-27, patungo sa 24-point lead, 73-49, mu­la sa tripe ni Matt Nieto sa 7:46 minuto ng fourth pe­r­iod

“We don’t have a break. For us, it’s business as usual. We will just prepare for our next opponent, whoever it will be,” ani Ateneo head coach Tab Baldwin.

Sa kabilang banda, kapos naman ang 13 points, 7 rebounds at 2 blocks ni Kobe Paras gayundin ang tig-11 markers nina Bright Akhuetie at Javi Go­mez De Liaño para sa Fighting Maroons na ti­na­pos ang eliminasyon sa 9-5 record.

Sa unang laro, nagsa­nib puwersa sina Rey Suerte at Philip Manalang sa final period sa pagsikwat sa 79-77 panalo ng Uni­versity of the East laban sa National Uni­ver­­sity.

Tumapos si Suerte na may 28 points, 6 rebounds at 2 blocks, habang may 17 markers at 12 boards si Alex Diakhite.

Sa ikalawang laro, nag­tala ng career-high na 34 points si Jamie Malon­zo para pangunahan ang De La Salle sa 89-63 paggupo sa Adamson. 

Nagtala naman sina Justine Baltazar at Andrei Caracut ng tig-14 markers para sa Green Archers, tinapos ang elims sa 7-7.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with